Monday, November 29, 2010

Day 24 - A photo of something that means a lot to me


Having a happy home means a lot to me. I grew up in one and I want my future home to be the same. 
Happy home for me = harmonious. quality time. open communication. love. healthy. laughter. compromise. security. strong ties through good and bad times. 

Day 23 - 15 Facts about ME


1. On a non-work day, I can sleep for as long as 12 hours. 

2. I like Cecelia Ahern and Jane Green books.

3. Nag-iimbento ako ng lyrics ng kanta.

4. Isa akong operada.

5. I have my hair rebonded atleast 3x a year.

6. I'm allergic to onions.

7. Footspa and massages relax me big time.

8. I love mint chocolates.

9. Leader ako ng mga dance number nung grade school.

10. I have a bone spurt on my left knee.

11. When I was young, I wanted my boyfriend to have tennis as a sport.

12. After a break up, I thought of buying and having my own condo.

13. Signs that I'm soon to have my period: big appetite, irritable, craves for manggang hilaw.

14. Baby names I like as of this writing: Rafael, Pio, Chino, Amilia, Kareen and Elianna.

15. Pangarap ko ang maging isang happy housewife.

Sunday, November 28, 2010

Day 22 - Letter

A Letter to the One Who Has Hurt Me...

This is NOT for my ex-boyfriend of seven months. I don't even want to call him an ex-boyfriend coz now I realize...that guy is just a mere distraction. A waste of my precious time. =D

This is for my "almost" boyfriend goalee. You know who he is. 

==================================

Hello...hindi na kita kukumustahin kasi tingin ko naman wala ka pa ding pinagbago. I have nothing much to say to you kasi nasabi ko naman halos lahat ng gusto kong sabihin sa'yo when we had that talk a few years ago. That talk was all I needed. It was my closure. You were gentleman enough to admit to your mistake, which is nagsinungaling ka nga sa'kin na kayo pa din pala nung girlfriend mo nung mga panahon na yun. Na kahit ilang beses kong tinanung, you always denied her. I should feel flattered kasi sinabi mo na ginawa mo lang yun kasi ayaw mong lumayo ako. But I'm not stupid. Siguro if I'm the type of girl na kayang makipagsabayan sa girlfriend mo that time, nakuha ko na gusto ko. To have you. But I'm not stupid...My feelings for you were so strong then! But I let you go.Tiniis and iniyakan kita. If you only knew kung gaano mo ako sinaktan. You were my first heartbreak, alam mo ba yun? 
Kung gaano mo ako pinasaya noon, ganun din yung binigay mong heartache. Sheesh. But atleast I got what I wanted during that talk...your sorry. And naramdaman ko naman yung sincerity mo that time.

Past is past. I'm truly happy now. 

I still want to thank you for coming into my life. For the good and fun times. Kahit loko ka, you still made me feel special. You were there for me when I needed someone. 

May natutunan din naman ako sa'yo...na hindi enough na mahal mo ang isang tao. Dapat yung trust and feeling of security nandun din.

Kung anuman yung pinagdaanan ko sa'yo...it made me stronger and wiser. 

I just wish you the best. And sana mahanap mo na din yung true love and happiness mo. 



Friday, November 26, 2010

Day 21 - These make me HAPPY!

FLOWERS. even just by looking at them. lalu na kapag binibigyan ako! Ü

MASARAP NA FOOD. i love to eat. period.

MAX LOVE. coz he's the sweetest doggie!



TIBS, my love!

Day 20 - Meaning behind my blog name

Warmed By The Sun.

'Coz I'm happy when the sun is shining.
And in this blog, I write mostly happy thoughts...
or anything under the sun! Ü

Thursday, November 25, 2010

Day 19 - Another picture of myself


Bolinao Beach, April 2008.
Walang pakialamanan. Ü
Proud ako that I once had this body. Hehehe. 
And how I wish I could have it baaaaack!!!!

Tuesday, November 23, 2010

Two Words...I Do ♥

I came across this song of Lea Salonga which she sung during her wedding. 
Two Words...I Do.

Haaay....I so love it! It's perfect! 

I'm now thinking of having this as my bridal march.... 


Two Words...I Do ♥   (also link to music)

In a while, in a word,
Every moment now returns.
For a while, seen or heard,
How each memory softly burns.
Facing you who brings me new tomorrows,
I thank God for yesterdays,
How they led me to this very hour,
How they led me to this place...


Every touch, every smile,

You have given me in care.
Keep in heart, always I'll,
Now be treasuring everywhere.
And if life should come to just one question,
Do I hold this moment true?
No trace of sadness,
Always with gladness...
'I DO...'



(Instrumental)



Now a song that speaks of now and ever,

Beckons me to someone new,
Unexpected, unexplored, unseen,
Filled with promise coming through.
In a while, in a word,
You and I forever change,
Love so clear, never blurred,
Has me feeling wonderous, strange,
And if life should come to just one question,
Do I face each moment true?
No trace of sadness, always with gladness,
'I DO...'



Never with sadness...

Always with gladness...
'I... DO...'


Day 18 - Something I crave a lot!

COFFEE. kahit ganu kainit, basta magustuhan ko, I'll have one! 


ANYTHING CHOCOLATEY. be it ice cream, cake, candies and bars, drinks.


MANGGANG HILAW WITH BAGOONG. asim!!


WATERMELON JUICE. Fit n Right will do. Hehehe.

Monday, November 22, 2010

Day 17 - A photo of me and my family

The Royal Family

Sunday, November 21, 2010

Day 16 - My Celebrity Crush

Yummy!
Ay sus....Kumustahin natin si Brad Pitt dito...Diba nakakapanghina lang? Such a teaser!!!
Crush ko siya eversince Meet Joe Black. Ang gwapo na niya, ang gwapo pa niyang umarte. 

Meet Joe Black
For me, he's really good looking and sexy! Kahit anung look bagay sa kanya. Sabi ko nga, payag akong mistress niya. And just one night. Just one night! Hehehe.

Day 15 - Something I don't leave the house without

1) Cellphone - feeling ko talaga paralisado ako pag hindi ko dala ang cellphone ko

2) Watch - nasanay na ko wearing a watch, it has been a part of my get-up


3) Comb - kailangan maganda palagi  Ü

Day 14 - A TV show I'm currently addicted to

It's gonna be Food Network's Barefoot Contessa with Ina Garten and Everyday Italian with Giada De Laurentiis. 

I'm not a cook. And I don't know how to cook. But I wanna learn!!! It's still one of my frustrations! Hindi naman pwedeng taga-kain lang ako palagi. Pero baka pwede din.... Ü

I love both of these shows because I wanna be like them someday...! Experts and Kumpletos recados. From appetizers, main course, desserts. They make cooking so simple, so stress-free! 

Thursday, November 18, 2010

Kumpil

Finally received the Sacrament of Confirmation yesterday at San Miguel Church in Malacanang. Kasama ko si Mom para siya na lang ang witness/ninang ko. Nakakatawa lang yung experience namin ni Inay... Ü 
We arrived around 2:10pm kasi medyo nagtanung-tanung pa kami bago natunton yung simbahan. Pagkadating namin dun, sinalubong kami ni manong guard. 

guard: Magpapakumpil po ba?
me: Opo, abot pa ho ba ako?
guard: Sige ma'am, pakifill up-an na lang po 'tong form tapos bayad kayo sa cashier.

So proceed ako sa isang table while filling out the form. Name, birth details, pangalan ng ninong/ninang etc. While filling out the form, may naririnig akong nagbabang sa table near the counter. Dineadma ko lang. Eh hindi tumitigil. Yun pala, yung matandang babaeng nasa counter tinatawag ako. Tama bang magbaba-bang sya sa table??? Pwede naman akong tawagin! So lapit ako kay Lola. 

lola: Magpapakumpil kaaaaaaa? 
me: Opo
lola: Anung oras na? Kanina pa nagsimula ang seminar! Late ka!
(ang lakas ng boses ni lola. automatic nagkatinginan kami ni inay na parang gustong magtaasan ng aming mga kilay. but since nasa simbahan kami at alagad ng simbahan si lola, nagtimpi kami ni inay...)
lola: Eh bilis bilisan mong magsulat! Akin na ang baptismal certificate mo at pahinging 630 pesos.

Syempre sa ganung tono at lakas ng boses na nakakabwisit, hindi na ko umimik. Ibinigay ko na yung form at payment. After the transaction with Lolang masungit, dali dali kaming pumasok ni Inay sa simbahan. Tamang tama lang naman pala yung dating namin kasi pasimula pa lang yung sakristan sa briefing/seminar. Yung mga kukumpilan nasa left side lahat, mga ninong/ninang nasa right side. From what I observed, lahat yata kami of the same age at nagpapakumpil dahil magpapakasal na. TSK TSK. Ü
So binigyan kami ng lessons nung sakristan about the 7 sacraments, 7 gifts etc etc. In the middle of the seminar, may umalingawngaw sa simbahan. Si Lolang masungit pumasok sa simbahan. 

lola: Nasaan si Ruth Ann?

Ampucha. Hinahanap ako? Kinabahan ako. Nagtaas ako ng kamay at tinawag nya ko.
Dinala ko si Lola sa isang corner para hindi marinig nung ibang tao.

lola: Hindi ka pwedeng kumpilan ngayon.
me: Huh? bakit po?
lola: Eh hindi ko napansin na nanay mo pala yung nilagay mong ninang dito! Hindi pupwedeng maging ninang o ninong ang isang magulang!

By that time, Inay's beside me na. Nakita nya may commotion eh. Hehehe.

me: Eh panu po yun? Pwede ho bang palitan na lang? Baka may pwede po akong gawing ninang sa kanila (referring to the on-lookers)

Tinawag ni Lola ang Sakristan na nagbibigay ng seminar.
lola: JOJO! Halika nga dito! Pano ito, gawan mo nga ng paraan yan! Pauuwiin ko na 'to eh. Ang nilagay na ninang pangalan ng nanay nya.

si Jojo ay natatawa lang and giving me the look na "pagpasensyahan mo na si Lola"

jojo: Ehdi hanap na lang tayo ng volunteer na magninang para matapos na. Sayang naman kung pauuwiin pa.
me: Oo nga po. Galing pa po kaming Laguna. 
lola: O eh humanap ka na ng volunteer nang mapalitan na 'tong nasa form.

Buti na lang yung mga nakikiusyoso sa amin, mababait. May isa dung babae na nagvolunteer.  "Ako na lang po". Thank God!!!! Ü

Nag-thank you ako sa kanya and I found out her name is Arlene Tamina. She was there to accompany her daughter, who's fiance is also receiving the sacrament of Confirmation. So nagka-instant ninang ako! 

After that, tinapos na din ng sakristan yung seminar and nagstart na ang sakramento ng kumpil. Ang dami din aberyang naganap sa ibang nagpakumpil. Mukhang normal yata yun! I found out right after na yung iba palang nagpakumpil dun, yung mga manong or photographer ang kinuhang ninong o ninang. So hindi pala ko nag-iisa. 

Atleast natapos na at ganap na kong CONFIRMED. Ü



Day 13 - My favorite musician and why

No doubt, it's the Canadian composer, producer, singer, arranger, songwriter - David Walter Foster!!!! ♥ 


He's my favorite simply because I loooooooooove most of the songs he composed. Mushy na kung mushy, senti na kung senti yung mga songs nya...I just love it. =D
When asked kung sinong celebrity or famous personality ang iinterviewhin ko given the chance, it's gonna be him! I would want to know where he gets his inspiration. Sabihin ko sa kanya how much I love his "The Best of Me" song. I will ask for his picture and autograph. I will ask him to write a song for me! =D I will request and beg and plead that he consider me as one of his friends para kasali na ko sa "David Foster and Friends"....!!!! Kaya nga when I found out early this year na magcoconcert sya dito, naku! Hindi ko talaga pinalagpas. Ang tagal ko kayang hinintay nung pag-visit nya dito. And it gives me sheer joy knowing that he's planning on holding another concert here in Manila by next year! Woohoooooh! =D

My Super Like David Foster Hits:
    • The Best of Me
    • Through the Fire
    • Will You Still Love Me
    • Glory of Love
    • Hard to Say I'm Sorry
    • You're the Inspiration
    • Runaway (The Corrs)
    • Miss You Like Crazy
    • After the Love Has Gone
    • And When She Danced
    • Love at Second Sight
    • Because You Loved Me
    • Grown-up Christmas List
    • The Prayer


Day 12 - A photograph of the town I live in

Santarosa, Laguna!!! ♥ 
To name a few of my town's famous places 

Don Bosco Parish Church

Paseo De Sta.Rosa

Enchanted Kingdom

Nuvali

note: wala na bang masboring na blog challenge kumpara dito?

Wednesday, November 17, 2010

Day 11 - What's in my make-up bag

2 face powder. revlon and l'oreal eyeshadow. 1 concealer. 3 lipsticks. 1 lipgloss. 1 mascara. 1 liquid eyeliner. 1 powder blush. 2 ponytail. 2 hairpins. tweezers. nailcutter. razor. 2 neozep. Ü

Monday, November 15, 2010

Day 10 - A photo of your favorite place to eat

Hoooh! Ang hirap palang pumili ng favorite place to eat ko. Parang kapag tatanungin din ako kung anu ang favorite song ko...hindi ako makakasagot kasi madami! Don't let me choose only one kasi hindi ako makakapili. Ü I'm naming 6 of my favorites. Wherein guaranteed mag-eenjoy ako pag dito mo ako yayayain kumain. Ü

I love their stuffed pizza, baked ziti and lasagna!

I love their Premium Boneless Classic Pork Ribs with Java rice!

I love their crispy chicken paired with mojos!

I love their style...Filipino food with a twist. Love their Crispy Dinuguan and Crispy Pork Binagoongan!

This I frequent the most! Tapsibugan! Lapit lang 'to kila Artie kaya isa 'to sa super favorite ko. Sarap na, affordable pa! Ü Palagi kong order dito is either crispy liempo or crispy porkchop with red egg and kamatis.


For dessert, Stickhouse Gelato on a stick! Ü

Sunday, November 14, 2010

Day 9 - A photo of the last item I purchased


It's a pleated chiffon dress which I will wear on our pre-nuptial pictorial. Hindi ko ipopost dito yung mismong dress na binili ko para may element of surprise naman. Hehehe. But basically, it has the same style. I bought it from Petit Monde, which got me thinking na ito pa lang yata yung first item na nabili ko sa boutique na yun. Ü


Saturday, November 13, 2010

Day 8 - A Song to Match My Mood



This song best fits me because I GOT WORK TO DO!!! =D
Even if I am on 3 weeks vacation, I'm still loaded!
Wedding preps, wedding preps, wedding preps!
Ü

But hearing this version of the song really relaxes me....hay sarap!

Friday, November 12, 2010

Day 7 - My Dream Wedding


Shucks. When I found out today's bloggie challenge, I can't help but think... "Huwhat???? Wedding? Not again...!" Ü Panu ba naman, for the past 12 months, itong wedding ko na ang nasa isip ko! Pati pala 'tong bloggie challenge hindi ako pagpapahingahin sa kakaisip about weddings. Hehehe. Very timely since my wedding is fast approaching! And as the day nears, I'm getting more and more excited. Ü To be honest, I think I'm close to having my dream wedding!
So how would I describe my dream wedding?
1) I want it to be a destination wedding - Tagaytay. Romantic! And parang ang saya lang na paplanuhin talaga ng mga guests yung pagpunta sa wedding ko.
2) Ceremony will be at Chapel on the Hill - I fell in love with this chapel! Nung nakavisit ako sa chapel na 'to before, sinabi ko sa sarili ko, dito lang ako dapat ikasal! Ü
3) Reception will be somewhere romantic ang ambiance. Full of flowers and mood lights!
4) Overflowing food and wine
5) String quartet to serenade us
6) Fireworks, bubble machine, butterflies
7) Only closest friends and relatives as our guests
8) Not the traditional wedding na may program and games. I would want my wedding to be really intimate wherein makakachika ko bawat guest na ininvite namin. Sort of a get together of friends. So during reception, it's basically dinner and light dancing. Ü

That is my dream wedding. And I can make it happen. Ü

Pero kung dream wedding na forever dream na lang...it will be this.


A wedding in Tuscany. Ü

Thursday, November 11, 2010

Day 6 - A photo of an animal I'd love to keep as a pet

it's a maltese!!!! ♥
ang kyut kyut naman kasi ng face tsaka parang ang sweet sweet. feeling ko pag ganito ang pet ko, babytalk ako palagi sa kanya. i remember having this pet application in Facebook before. maltese din ang pinili kong pet, and i named him Chico. how i wish i could have my own Chico someday. Ü

Wednesday, November 10, 2010

Day 5 - A photo of myself 2 years ago

so this is me 2 years ago.
short-haired with braces pa! Ü
this picture was taken last quarter of 2008.
me hugging baby bear tibs...
ito yung kapanahunang nasa bulgaria si artiemous.
hinuhug ko na lang si baby bear tibs para maibsan ang aking pangungulila. Ü

Tuesday, November 9, 2010

Day 4 - Favorite Photograph of your Bestfriend

i have bestfriendS! Ü (and i don't believe in having only one)
bestfriend # 1 - ang love kong si artiemous!
i consider him as one of my bestfriends because he knows almost everything about me.
wala na kong itatago pa sa kanya.
timplang timpla na nya ko. hehehe.
we get along very well.
we laugh a lot.
we love a lot. ♥
i like this picture of artiemous. ang pugi kasi niya dito. parang ang sarap i-kiss! hahaha!

bestfriend #2 - YA!!!
ikaw ba naman na magkaroon ng kaibigan of more than 20 years, hindi pa ba bestfriend mong matuturing yun? Ü dami na naming napagdaanan. may mga times na nawala sa sirkulasyon ang isa o kaya naligaw ng landas, pero eto pa din kami. friendship still going strong.
i like these pics kasi nacapture yung happiness ng bawat isa. tsaka ang gaganda natin ha! Ü
sana magkaroon na tayo ulit ng picture, yung kumpleto tayong 5! Ü


Monday, November 8, 2010

Day 3 - My Idea of a Perfect First Date


1. susunduin nya ko sa house. on our way to wherever, gusto ko magpapatugtog kami sa kotse nya ng songs na pareho naming gusto. Ü

2. eat in a resto that we both haven't tried. we'll share food. we'll share stories. we'll share jokes. Ü

3. watch a romantic comedy film. Ü

4. coffee afterwards. kwentuhan ulit. Ü

5. hatid na nya ko sa house, then he'll give me flowers..... Ü

6. talk on the phone before we sleep. Ü

yun lang naman. i just want really quality time. before, i wanted a candle lit dinner. and we will slowdance...

the slowdance i still like!!! ♥


Sunday, November 7, 2010

Day 2 - A photo of something I ate today



pork kebabs at the newly opened Ribs N Rice, Paseo De Sta.rosa
medyo nasimulan ko na yung pagkain when
i remembered that i have to take a picture of it.
kaya ayan, hindi maganda yung presentation. hehehe.

Saturday, November 6, 2010

30 Day Blog Challenge


I'll be blogging again! All because of YA's 30 Day Blog Challenge. I find it really cute kasi may theme of the day na, I wouldn't have to think of what to write pa! I'm not really a blogger naman, pero dahil dito sa challenge, sisipagin ako. I just hope ma-complete ko ang 30 days. hehehe.

DAY 1 - A PHOTO OF YOURSELF AND A DESCRIPTION OF HOW YOUR DAY WAS.
disclaimer: I know Day 1 was yesterday. But since hindi ko maupload ang picture, ngayon ko lang nasulat ang aking Day 1. Ü

me with all the fabrics

Spent the day in Divisoria with Artiemous to buy tela for our entourage. We were there around 10:30am and ang dami ng tao, to think na 1st weekend of November pa lang! But since alam ko na ang kalakaran sa Divisoria, prepared naman ako sa kaguluhan, kainitan, kasikipan at kaputikang naganap. There was just one time na dahil mataas ang araw, I took out my shades. Mainit eh tska maarte ako. Pinahubad ni Artiemous dahil takaw tingin daw! Nung una nainis ako, eh sa gusto kong magshades kaya! The brat in me. Hihihi. Pero narealize ko, oo nga nuh. Baka akalain mayaman ako, mapahamak pa ko. So tanggalin ang shades. Ü
This day was so tiring but we accomplished two things! We were able to buy all the fabrics in just one supplier, all salmon pink and chocolate brown complete! I was thinking kasi hahalughugin pa namin ang buong Ilaya street to have all the fabrics we need. Hulog ng langit si Ateng Tindera to provide us with what we need. Next, nakahanap na kami ng magpiprint ng wedding invites namin...sa Recto! At first I was hesitant to have our invites printed here kasi ayaw ko nung area. Na-stereotype ko na. Hehehe. But it's all okay pala. Really affordable and the design we chose will really have the "Artie and Ann" touch. We can have it personalized! Luvett!!!
I was all amoy araw and pawis when I got home. I think I had the best shower ever. Ü


Template by:

Free Blog Templates