Sunday, January 31, 2010

sonya's garden

after much thought, artie and i have decided to hold our wedding reception at sonya's garden - our first and top choice! Ü i know we made the right decision kasi now pa lang nafifeel na namin kung gano ka-personalized ng services and ka-asikaso ng "friends of sonya" sa amin. Ü
thanks to gerlie who pencil booked January16 for us the second time i inquired last December. they don't do pencil booking talaga sabi nya, pero nafeel daw nya na sincere kami sa request namin kaya naka-block na 16January sa kanila. hehe. sabi nya we just have to visit soon and formalize the reservation by paying 20% down and para makapag-food tasting na din daw kami. since yesterday lang kami nagkaroon ng time ni artie, off we went to sonya's! Ü usapan nga namin ni gerlie, we'll arrive around 2-3pm pa. eh napaaga kami ni tieboy. buti na lang si gerlie ang nasa information desk! she greeted us warmly and led us into the office for the wedding arrangements. she presented us with the different set menus and pumili na kami ni tibs. ako alam ko na kung anu yung gusto ko among the Filipino set menus, si tibs, dun lang ulit napag-aralan. buti na lang, kung anu yung nagustuhan kong menu, yun din yung gustu nya. Ü may pina-swap lang kaming 2 food na mas masarap from another set menu. Ü 100 guests muna yung pina-quote namin and we really do hope we would stick with that number. hehe.
after we made the payment, kainan na sa The Conservatory - one of the venues na good for 80 to 100 persons lang. maganda yung place because of the herb greenhouse inside. at syempre Sunday, daming kumakain when we went inside. but since we were expected guests (naks) may table na kaagad kami! hehe. we were served bread, their famous salad, pasta, banana rolls, sweet potatoes, chocolate cake and dalandan juice. eat all you can! Ü

the salad

pasta pasta!

dessert and tarragon tea

busog na si tibs and tukz!

sarap ng food and nabusog kami sobra - to think na hindi pa yung Filipino menu yung kinain namin. babalik na lang kami para dun sa food tasting of the set menu that we chose. i'm sure mas masarap yun!
matapos mahimasmasan, ikot ikot na kami sa garden to check out the venues. though tibs and i already informed gerlie that we will hold the reception at the Sunflower venue, tiningnan pa din namin yung Morning Glory. lahat maganda pero tama lang sa number of guests namin yung Sunflower. sa MG kasi, it can house upto 350 guests. masyado namang malaki! sa Conservatory naman, parang ang sikip. i love the Sunflower best! enough space and masusunud talaga yung gusto namin na intimate ambiance. Ü

Sunflower Venue

ang entrada

a look inside (waterfall windows!)

love the chandeliers! ganda siguro nito sa gabi! Ü

yes, meron nito sa corner!

happy happy happy day! atleast yung 2 major items sa checklist namin ay na-check an na. the church and the reception. Ü dami pa To Dos pero kaya na yun! one at a time - next would be meeting up with the wedding couturier, Ms Sunshine Lim. Ü
nga pala, nung kumakain kami ni artie sa sonya's, one woman approached us. chika chika. kumusta daw kami, are we enjoying so far etc etc. then she asked if we are holding our wedding reception there. that's good to hear daw so on and so forth. konting chika pa tapos she went to another table and did the same. si Sonya pala yun. sinu namang babae ang maglalakas loob na magtable to table dun para kumustahin ang guests diba? and naconfirm ko din na sya yun kasi mga picture nya yung naka-frame sa labas ng ladies' CR. sayang! gusto ko magpapicture sa kanya! next visit talaga namin, hopefully nandun sya ulit, papapicture ako sa kanya. Ü